Ang Truck Drivers Philippines ay isang organisasyon na nakarehistro at nakaayos sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas,
na may address sa 26 Asian Highway, Santo Nino, Lungsod ng Gapan, Nueva Ecija, Rehiyon III, Pilipinas.
Ito ay naitatag noong ika 1 ng Nobyembre, taong 2016 ni Ginoong June Magno at Cifu upang makatulong sa sektor ng trucking sa ating bansa.
Sa Pilipinas, ang nagdadala ng pangangailangan ng bawat Pilipino ay ang mga trak ng kargamento na pinatatakbo ng mga tsuper ng trak ng
walang alinlangan kahit sa bawat sampa ay nakabaon ang isang paa sa hukay, na dumadaan sa mga kalsadang pambansa at panlalawigan araw-araw.
Ang mga tsuper ng trak ay dumadaan sa hindi normal na byahe, may mga nakaambang panganib, hindi ligtas na kalsada, hindi regular na oras ng pagkain,
hindi regular na pag-ihi at pagdumi, at ang kawalan ng tulog ay hindi sapat sa bawat biyahe.
Ang intensyong ito na makipagkapatiran ay pinalakas ng pagnanais na tugunan ang mga problemang kailangang lunasan ang hindi napapansing malungkot
na kondisyon sa pagmamaneho ng mga tsuper ng trak. Kaya, nabuo ang Truck Drivers Philippines. Ang mga miyembro ng Truck Drivers Philippines ay
ordinaryong mga tsuper ng trak at mga advocates na, bilang karagdagan sa pagtitiis sa mga hindi mainam na kondisyon sa pagtatrabaho at mababang
pasahod, at sa regular na kailangang maging handa dahil inaasahan ang mga potensyal na panganib sa daan na walang seguridad.
Sa kasagsagan ng pandaigdigang pandemya ng COVID-19, ang mga miyembro ng Truck Drivers Philippines ay walang tigil na nagpatuloy sa paglalakbay
noon kahit nakasalalay ang buhay sa panganib ay laman pa rin ng mga kalsadang pambansa at panlalawigan upang maihatid ang lahat ng mga
pangangailangan at sinigurong ang mga istante ng pagkain ay may laman, at ang mga medikal na kagamitan para sa mga frontliner upang magawa
nila ang kanilang mga trabaho. Habang ang karamihan ay nagtago sa likod ng mga saradong pinto sa takot sa na sila ay mamatay sa Virus,
ang mga miyembro ng Truck Drivers Philippines ay sumugod sa panganib para matustusan ang pangangailangan ng buong sambayanan.
Ang samahan ay pinatitibay at binubuklod sa adhikaing ma isulong ang tunay na salitang bayanihan sa pamamagitan ng pag sa puso ng mga
katagang TULUNGAN, DISIPLINA AT PAGKAKAISA ng mga myembro at sa komunidad